PAGDINIG SA SOGIE BILL, ILLEGAL UMANO AYON SA ISANG MAMBABATAS
9February//mVr
8am
Ginawang pagdinig sa panukalang SOGIE bill sa kamara.. tinawag na illegal ng isang mambabatas.
Tinawag na “illegal” ni CIBAC partylist Rep. Bro. Eddie Villanueva ang ginawang pagdinig ng House Committee on Women and Gender Equality sa Sexual Orientation, Gender identity and Expression o SOGIE bill.
Sa naturang committee hearing sinabi ni Villanueva na umanoy naging “forum shopping” na ginawa ng committee dahil tila ni-railroad ang naturang panukalang batas bagay na sinuportahan ni Manila 6th Rep. Benny Abante.
Anya illegal ito dahil kasalukuyan nang tinatalakay ng committee o Human Rights ang mas komprehensibong anti-descrimination bill.
Giit pa ng mambabatas.. possible itong maging bad precedent na maaring maabuso sa mga susunod na panukalang batas na dapat ay nakalaan sa isang komite lamang.
Samantala.. iginiit naman ni committee chair at Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman legal ang kanilang pagtalakay sa SOGIE bill at mananatili sa kanyang komite ang naturang panukalang batas base sa kanilang paguusap ni House Majority Leader Manix Dalipe.
Anya.. dapat dumulog si Villanueva sa House Committee on Rules.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home