Thursday, February 09, 2023

PAGREBYU AT AMIYENDA SA SALIGANG BATAS, LAYUNG MAKAHIKAYAT NG FOREIGN INVESTORS

Jopel

Pagrebyu ng Kamara sa 1987 Constitution, layung makahikayat ng mas maraming foreign investor.....


Nagkasundo ang mga miyembro ng House of Representatives na nagtutulak ng Constitutional amendments na alisin o i-lift na ang ilang economic provisions na nagpapabagal sa pagpasok ng foreign capital sa bansa.


Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, na nakatuon ang naganap na congressional deliberations para sa proposed Constitutional amendments sa paghikayat ng mas maraming mamumuhunan na magpapasigla sa economic activities, lilikha ng mas maraming trabaho, magpapagaan sa pamumuhay ng mahihirap at magpapababa sa presyo ng mga bilihin at serbisyo.


Ito ang inihayag ni Speaker Romualdez sa kanyang talumpatinsa sa selebrasyon ng Constitution Day na ginanap sa MalacaƱang, na pinangunahan ni Pang.Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.


Sinabi ni Speaker Romualdez, na sya ring Philippine Constitution Association o Philconsa president, na nagpapatuloy ngayon ang mga public hearing at konsultasyon ng House Committee on Constitutional Amendments ukol sa panukalang pag-amyenda sa 36-year-old Constitution.


Maliban sa mga pagdinig ng Kamara, mayroon naring mga nakatakdang public discussions and dialogues sa ibat-ibang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao.


Giit ng House Speaker, sa ngayon, walang ibang hangad o pangarap ang bawat pamilyang Pilipino kundi magkaroon ng isang mapayapang komunidad na may trabaho, mataas na sahod, murang bilihin, at pag-asang umunlad pa ang pamumuhay.



wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home