Thursday, February 09, 2023

KAWALAN NG DATOS SA COLD STORAGES AT TRADERS NG SIBUYA, IKINADISMAYA NG KOMITE SA KAMARA

KATH

Dismayado si House Committee on Agriculture and Food Chair Mark Enverga sa kawalan ng datos sa cold storages at traders ng sibuyas.


Sa halos apat na oras na motu proprio inquiry ng komite kaugnay sa isyu ng hoarding at manipulasyon sa presyo ng sibuyas, napagalaman na hindi tukoy ng Bureau of Plant Industry kung ilan ang kabuuang cold storages sa bansa para sa sibuyas.

 

Wala rin itong datos sa kung sino ang traders ng naturang agri-product.


Malaking butas ani Enverga na hindi malaman kung nasaan ang suplay at kung sino ang posibleng mga nananamantala.


“Medyo disappointing dahil nga yung data gaps between BPI [Bureau of Plant Industry], PSA [Philippine Statistics Authority], medyo nalilito kami dito sa mga bagong rebelasyon natin dito. Even yung data nila particular dun sa cold storages. Again, nadismaya ako dun sa pagkakataon na madiskubre na yung traders ay hindi alam ng BPI. Malaking butas ito particular for yung mga mapagsamantalang tao. Since hindi alam kung asan yun particular supply sa particular moment, ay malaki ang problema natin dito.” saad ni Enverga.


Batay naman sa naging takbo ng pagdinig, naniniwala si Enverga na hindi dapat sumipa ng ganoon kataas ang presyo ng sibuyas.


Noong nakaraang taon, pumalo ng P600 hanggang P800 ang kada kilo ng sibuyas sa mga pamilihan.


Aniya, hindi maitatanggi na mayroon talagang price manipulation ng produkto.


“I don’t believe that the price should have been that high. Masyadong mataas. So malaki ang posibilidad na mayroon pong price manipulation at hoarding dito.” dagdag ng kinatawan


Umaasa naman si Enverga na kahit sa apat hanggang limang pag-dinig ay makita nila ang kabuuan at totoong sitwasyon sa industriya ng sibuyas sa bansa.


##


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home