Thursday, February 09, 2023

HULING KAGANAPAN SA ILULUNSAD NA MAGKASANIB NA WEB PORTAL, TINALAKAY NG KAPULUNGAN AT SENADO

Muling nagpulong ang Secretariat ng Kapulungan ng mga Kinatawan na pinamumunuan ni Secretary General Reginald Velasco, at Secretariat ng Senado na pinamumunuan ni Secretary Atty. Renato Bantug Jr. ngayong Huwebes, upang talakayin ang mga huling kaganapan sa planong pinagsanib na e-Congress web portal, na siyang magiging imbakan ng mga impormasyon ng mga trabahong lehislasyon ng dalawang kapulungan. 


Nilikha ang isang technical working group, na kinabibilangan ng mga opisyal ng Secretariat ng Kapulungan at Senado, upang isapinal ang mga paghahanda para sa paglulunsad nito. 


Sa idinaos na pulong, binigyang-diin nina Velasco at Bantug na ang lahat ng mga aktibidad at detalye para sa proyekto ay dapat na magkasanib na pagpasyahan, dahil mas magiging epektibo at episyente ang magiging trabaho ng dalawang kapulungan sa magkasanib na web portal. 


Ang mga plano tungo sa paghahain ng mga concurrent resolutions na magbibigay daan sa kasunduan sa magkasanib na website ay magiging kongkreto na rin. 


Ang iba pang mga opisyal na dumalo sa pulong ay sina Inter-Parliamentary and Public Affairs Department Deputy Secretary General Atty. Gracelda Andres at Legislative Operations Department Deputy Secretary General Atty. David Robert Amorin, at iba pa.



wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home