Tuesday, February 14, 2023

SAKALING MAISABATAS, BETTER WORKING ENVIRONMENT PARA SA MGA PILIPINONG MANGGAGAWA, ASAHAN NA, AYON SA 1 SOLON

jopel

Umaasa si Cong. Fidel Nograles na malapit nang ma-enjoy ng mga Pilipinong manggagawa ang mas maayos na working environment matapos na maipasa na kamakailan ng House of Representatives sa  third and final reading ang ilang panukala na nagtataguyod ng kanilang kapakanan.


Ayon kay Nograles, na siyang House Committee on Labor and Employment Chairman, ikinagagalak nya na naipasa na ang mga proposed measures na dininig ng kanyang komite na may layung isulong ang karapatan ng Filipino workers.


Tiwala naman ang solon na maipapasa narin sa senado sa lalong madaling panahon ang mga counterpart measure ng tatlong panukalang batas na ipinasa ng Kamara.


Kabilang sa tatlong panukalang ito ang House Bill No. 1270  o ang Eddie Garcia Act, House Bill No. 6718 o ang Freelance Workers Protection Act, at ang House Bi No. 6683 o ang Enterprise Productivity Act.


Sana, ayon sa kongresista, maisabatas na sa lalong madaling panahon ang mga panukalang ito upang agarang maipatupad ang mga kinakailangang pagbabago sa sistema ng paggawa sa ating bansa.


Patuloy naman aniyang kikilos ang House Committee on Labor para sa mga batas na makatutulong at poprotekta sa mga manggagawang Pilipino.###

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home