Wednesday, February 15, 2023

NEGOSASYON NG VFA SA IBA PANG MGA BANSA, ISUSULONG SA KAMARA

jopel

More VFA negotiation sa iba pang mga bansa, dapat na isulong ng Pamahalaan, ayon sa isang kongresista...


Hinimok ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez si Pang. Ferdinand Marcos Jr. Pagtuunan ng pansin ang pagsusulong ng defense and security cooperation hindi, lamang sa Japan kundi maging sa Australia, Canada, New Zealand, at South Korea.


Ayon sa kongresista, tulad ng sa Amerika, dapat rin na makipagnegosasyon at magkaroon ang Pilipinas ng Visiting Forces Agreements o VFAs sa mga bansang ito, sa gitna ng tumitinding banta ng China.


Matatandaan na kamakailan lamang ginamitan ng China ng kanilang military-grade laser ang ating Coast Guard vessel, na nagresulta sa pansamantalang pagkabulag ng PCG personnels.


Giit ni Rodriguez, kasuklam-suklam at di katanggap-tanggap ang patuloy na pang-haharass ng tsina sa ating mga mangingisda, coast guard at Navy personnels.


Hindi aniya batid kung hanggang kailan titiisin ng Phil govt at ng mga Pilipino ang pag-uudyok ng kaguluhan at pambubully ng China,,,,pero isa lamang aniya ang malinaw, dapat na itong matigil.


Una nang inanunsyo ni Pang. Marcos ang kanyang intensyon na maglunsad ng VFA sa Japan kasunod ng kanyang limang araw na pagbisita sa Tokyo nitong nakalipas na linggo.


Nagpahayag naman ng kahandaan ang Japanese govt na makiisa sa joint military exercises and humanitarian missions ng Pilipinas.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home