IMBESTIGASYON NG PCC KAUGNAY SA KARTEL NG MGA BASIC COMMODITIES, SINIMULAN NA
anne
Sinimulan na ng Philippine Competition Commission (PCC) ang imbestigasyon kaugnay sa kartel ng mga basic commodities partikular ang sibuyas dito sa bansa.
Sa pagharap ni PCC Chairperson Atty. Michael Aguinaldo sa isinagawang moto propio investigation ng House Committee on Agriculture and Food kaugnay sa hoarding at price manipulation partikular sa sibuyas, sinabi nito na wala pa silang konkretong ebidensiya laban sa kartel.
Sinabi ni Atty. Aguinaldo sa ngayon kulang pa ang kanilang case buildup.
Ayon kay Aguinaldo nuong nakaraang buwan nila sinimulan ang pag imbestiga hinggil sa kartel ng sibuyas.
Una ng inamin ng Bureau of Plant and Industry na may hinala silang may kartel ng sibuyas at maraming mga indibidwal ang sangkot.
Sa panig naman ni Marikina Representative Stella Luz Quimbo nais nitong malaman kung anong ahensiya ng gobyerno ang nakatutok sa mga kartel ng sa gayon mapanagot ang mga ito.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home