Tuesday, February 14, 2023

TINAGURIANG SIBUYAS QUEEN, KINILALA SA PAGDINIG NG KAMARA

ed

Kinilala ng House Committee on Agriculture and Food ang umano'y nasa likod ng “hoarding, smuggling” ng sibuyas at iba pang agricultural products


Sa pagdinig ng komite sa pamumuno ni Quezon 1st District Rep. Mark Enverga, tinukoy ni SAGIP PL Rep. Rodante Marcoleta si Lilia “Leah” Cruz na tinaguriang "Sibuyas Queen" kaugnay sa 30 cheke na tumalbog na kanyang inisyu.


Nagduda si Marcoleta na naayos na ni Cruz ang isyung ito lalo na't hawak ng kongresista ang ilan sa mga tumalbog na cheque at paano nagawa ni Cruz na lokohin at lalong ilugmok sa kahirapan ang kaawa-awang mga magsasaka.


Bunsod nito, agad na nag-invoke si Cruz ng kanyang karapatang manahimik at wag nang tumugon sa mga katanungan na ipinupukol sa kanya ni Marcoleta. Ayon kay Cruz, nasettle na ang mga bouncing cheque na inisyu nito sa mga magsasaka noong 2014.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home