Friday, August 11, 2023

AKSYON NI PBBM SA PANGYAYARI SA AYUNGIN SHOAL, SUPORTADO NI SPEAKER ROMUALDEZ


Sinuportahan ngayong Lunes ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pasya ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Romualdez Marcos Jr. na konsultahin ang mga pinuno ng militar sa iligal na paggamit ng water cannons sa Philippine Coast Guard, at mga sasakyang pandagat na sibilyan na nagsusuplay sa platoon ng mga sundalong Pilipino na nakatalaga sa Ayungin Shoal sa Palawan.


“The President made the right decision to get the consensus of officials of the Armed Forces of the Philippines on how best the government can address the latest incident in the West Philippine Sea,” ayon kay Speaker Romualdez, pinuno ng 312-miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa kanyang pagpuri sa hakbang ng Pangulo. 


Sinabi ni Speaker na sinusuportahan niya rin ang diplomatikong aksyon na ginagawa ng pamahalaan na may kaugnayan sa panliligalig sa Coast Guard at mga sibilyang barko na nagdadala ng suplay noong Sabado.


Noong Lunes, sinabi ng Pangulo na nagpatawag siya ng command conference upang makagawa ng komprehensibong tugon sa mapanganib na aksyong ginagawa ng Tsina sa Ayungin.


“Actually today, pagkatapos ng change of command ng CGPA (Commanding General of the Philippine Army) ay magkakaroon kami ng command conference tungkol nga dito, on how we will respond,” ayon kay Pangulong Marcos, habang namamahagi ng tulong ng pamahalaan sa mga biktima ng baha sa Lungsod ng Malolos sa Bulacan. 


Tinugunan niya ang mga katanungan kung papaano haharapin ng pamahalaan ang pinakahuling insidente.


Pinuri ni Speaker Romualdez ang Pangulo sa kanyang paninindigan sa usapin ng Kasarinlan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.


“We support his position that we should continue to assert our sovereignty there and that we should defend every inch of our territory,” aniya.


Nagpadala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng diplomatic note sa Beijing bilang protesta sa insidente ng pambobomba ng tubig sa Ayungin. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home