RESOLUSYON NA NAGSUSULONG NG AGARANG PAGLILIPAT NG MGA MAG-AARAL SA HINDI INAASAHANG PANGYAYARI, PINAGTIBAY
Pinagtibay ngayong Lunes ng Komite ng Basic Education and Culture sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Pasig City Rep. Roman Romulo ang House Resolution (HR) 1059, na humihimok sa Department of Education (DepEd) na bumalangkas at magpatupad ng mga pambansang alituntunin sa agarang paglilipat ng mga mag-aaral na apektado ng mga kalamidad, likas at kagagawan ng tao sa mga pangunahing institusyong pang-edukasyon. Nagpahayag ng pagkadismaya si Rep. Romulo dahil ang mga mag-aaral na biktima ng mga sakuna ay nabibigatan sa karagdagang pahirap na makapagbigay ng maraming dokumento na kinakailangan ng mga tatanggap na paaralan, sa kabila ng pagkakaroon ng Learner Information System (LIS). Ipinaliwanag niya na ang LIS ay naglalaman ng mga impormasyon ng mag-aaral, kabilang ang natatanging Learner Reference Number na itinalaga sa bawat mag-aaral mula sa oras ng pagpapatala hanggang sa kanilang pagtatapos, kahit na lumipat pa sila ng mga paaralan. Nakapaloob sa HR 1059 ang pagtiyak na tatamasahin ng mga mag-aaral ang kanilang karapatan sa edukasyon sa lahat ng oras sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga positibong hakbang na pabor sa mga mag-aaral, kahit na sa panahon ng mga krisis, ay magiging polisiya ng Estado. Ito ang magsisimula sa isang pamantayan ng mga proseso at kasunduan para sa agarang paglilipat ng mga mag-aaral. Sinuspinde ng Komite ang mga deliberasyon sa substitute bill sa mga HBs 928, 1723, 5589, 1585, at 7666 o ang panukalang “Expanded Government Assistance to Students, Teachers, and Schools in the Private Basic Education Act.” Ang mga deliberasyon para sa HB 8393, na tumitiyak sa pagkakahanay ng pangunahing edukasyon at maagang edukasyon ng bata, ay sinuspinde rin. Ang mga pagsususpinde ay ginawa upang matugunan ang mas marami pang mga impormasyon mula sa mga nagsusulong upang higit na maayos ang mga panukalang batas. wantta join us? sure, manure...
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home