BUDGET PARA SA MARAWI VICTIMS’ COMPENSATION SA TAONG 2024, IPINA-AAJUST SA KAMARA
Nais malaman ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong kung puede pa bang ma-adjust ang budget na inilaan para sa Marawi victims’ compensation sa Budget 2024.
Sinabi ni Adiong kahapon kay Department of Budget Management o DBM Sec. Amenah Pangandaman na mula nang buksan ang application para sa Marawi victims’ compensation ay nasa 2034 applicants na ang na-profile ng Marawi Compensation Board.
At sa bilang na ito, nasa higit isang daang pamilya na aniya ang vetted at posibleng umabot ng 5 million kada indibidwal ang halaga ng claims.
Ngunit ayon kay Pangandaman, dahil sa nabuo na ang 2024 budget ay hindi na nila ito maaaring dagdagan.
Gayunman, maaari namang i-realign aniya ng Kongreso ang pondo para madagdagan ang P1 billion na proposed budget nito.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home