PROTEKSYON AT KAPAKANAN NG MGA OFWs, ISUSULONG NI SPEAKER SA ASEAN PARLIAMENTARY FORUM
JAKARTA, INDONESIA – Binigyang diin ngayon ni Speaker Martin G. Romualdez ang kanyang paninindigan na matalakay ang mga tumataas na mahahalagang usapin ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs), sa ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA) na nakatakda rito.
"Among the key issues we want to address here include the protection and welfare of our OFWs" ayon kay Romualdez, sa kanyang talumpati sa komunidad ng mga Pilipino sa Jakarta.
Iginiit ni Romualdez na tinitiyak ng administrasyon ni President Ferdinand R. Marcos, Jr. ang kaligtasan, kapakanan at proteksyon ng mga OFWs, habang kinikilala niya ang kanilang mga sakripisyo at kanilang mga naibahagi sa ekonomiya ng Pilipinas.
“Nagpasya po akong dumalo sa AIPA ngayong taon dahil marami tayong kailangang i-discuss sa mga kapwa ko mambabatas mula sa mga bansa sa ASEAN at BIMP-EAGA,” ayon sa pinuno ng Kapulungan.
“Kasama po rito ang mga batas na kailangang ipasa naming lahat para mapalakas ang ating mga ekonomiya. Gusto rin nating makatulong ang mga batas na ipapasa para maging masigla ang mga negosyo at makapagbigay tayo ng mas maraming trabaho sa ating bansa,” dagdag niya.
Kinilala niya ang mahalagang papel na ginagampanan ng komunidad ng mga Pilipino sa Indonesia, at tinukoy kung papaano pinahahalagahan ang mga Pilipino sa naturang bansa tulad ng mga guro, mga company executives, business consultants, engineers, accountants, lawyers, at mga mamumuhunan.
Nangako si Romualdez na sila ay susuportahan sa pamamagitan ng paglikha ng mas maraming oportunidad sa kabuhayan, na naglalayong pasiglahin ang pangkalahatang kaunlaran ng ekonomiya ng Pilipinas, tulad ng mga inisyatiba na makakahikayat ng mas maraming dayuhang pamuhunan sa bansa.
Ilan pa rito, kanyang binanggit na ang pagpasa sa pag-amyenda ng Public Service Act, na magpapagaan sa mga mahihigpit na patakaran sa dayuhang pamumuhunan sa pampublikong serbisyo.
“Many of you are abroad working for multinational companies. Why don’t we open our economy to these multinational firms so you can have the choice of working for these companies in our country where you can still come home every day to your families” ani Romualdez.
“We are thinking every day of ways on how to serve you. All our energies are directed at how it (our work) will benefit the Filipino people because we are your representatives,” dagdag niya.
Habang patungo si Romualdez sa 44th General Assembly ng AIPA, ipinangako niya na kanyang isusulong ang mga mithiin ng mga Pilipino sa buong mundo.
"I will bring with me all the cheers, kind intentions, and goodwill of the Filipinos who are present here today and from all over the world," aniya.
Ang kanyang talumpati ay nakikitang bahagi ng malawakang pagsisikap na makaayon sa pandaigdigang plataporma, upang mapaunlad ang kapakanan ng mga Pilipino dito at sa ibayong dagat.
Binanggit ni Romualdez ang mga pagsisikap na nagawa para sa proteksyon ng mga OFWs sa pamamagitan ng iba’t ibang batas na ipinasa ng Kapulungan.
Ang iba rito ay ang pagsasabatas ng Republic Act (RA) No. 11641, na lumilikha ng Department of Migrant Workers (DMW), na kinikilala bilang isa sa pinakamahalagang hakbang sa pagsusulong at pagpapalakas ng kapakanan at proteksyon ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibayong dagat.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home