Speaker Romualdez suportado aksyon ni PBBM sa nangyari sa Ayungin Shoal
Suportado ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na konsultahin ang mga opisyal ng sundalo kaugnay ng iligal na paggamit ng water cannon ng Chinese Coast Guard sa Philippine Coast Guard at dalawang bangka na maghahatid ng suplay sa mga sundalong naka-istasyon sa Ayungin Shoal.
“The President made the right decision to get the consensus of officials of the Armed Forces of the Philippines on how best the government can address the latest incident in the West Philippine Sea,” ani Speaker Romualdez, lider ng 312 miyembro ng Kamara de Representantes.
Ayon kay Speaker Romualdez suportado rin nito ang diplomatic action ng gobyerno laban sa panibagong panghaharass ng China.
Ngayong Lunes, nagpatawag ng command conference si Pangulong Marcos upang planuhin ang gagawing hakbang ng gobyerno kaugnay ng ginawa ng China.
“Actually today, pagkatapos ng change of command ng CGPA (Commanding General of the Philippine Army) ay magkakaroon kami ng command conference tungkol nga dito, on how we will respond,” sabi ni Pangulong Marcos bilang tugon sa tanong kaugnay ng gagawing aksyon ng bansa sa nangyari sa WPS.
Pinuri rin ni Speaker Romualdez si Pangulong Marcos sa paggiit nito ng soberanya ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo sa WPS.
“We support his position that we should continue to assert our sovereignty there and that we should defend every inch of our territory,” sabi pa ng lider ng Kamara.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home