ROADMAP NG PILIPINAS PARA SA KASAGANAAN NA NAKATUON SA PAGLIKHA NG TRABAHO, IBINAHAGI NI SPEAKER SA MGA MAMBABATAS NG ASEAN
Ibinahagi ngayong Lunes ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa kanyang mga kapwa mambabatas sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang roadmap ng Pilipinas, tungo sa mas malakas at mas matatag na ekonomiya, na may espesyal na pagtuon sa paglikha ng maraming trabaho at mga oportunidad sa kabuhayan para sa sambayanang Pilipino.
Sa kanyang pahayag sa sesyon sa plenaryo ng 44th AIPA (ASEAN Inter-Parliamentary Assembly) general assembly, binigyang-diin ni Romualdez ang mahalagang papel ng partnership sa pagitan ng Kongreso at ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na makamit ang naturang layunin.
Hinimok ni Romualdez ang mga kapwa mambabatas ng ASEAN na gamitin ang okasyon bilang plataporma, hindi lamang sa pakikipagtalakayan, kungdi ang mas mahalaga ay magbahagi ng mga pinakamagagandang kasanayan ng mga miyembro ng parliyamento.
“Following the lead of President Ferdinand Marcos, Jr., we have adopted a Medium-Term Fiscal Strategy that aims to support economic recovery while ensuring fiscal sustainability,” ayon kay Romualdez.
“Together with the Executive, we have focused on creating more job opportunities for Filipinos and improving their employability. Productivity-enhancing investments have been promoted while exercising prudence in fiscal management,” dagdag niya.
Sinabi niya na pinagtibay ng mga pinuno ng bansa ang naturang polisiya, at kinilala ang pandemya na siyang nagpalala ng kawalan ng seguridad sa kita, lalo na sa mga walang anumang akses sa proteksyon sa lipunan, sa mga nagtatrabaho sa impormal na ekonomiya.
“Retooling and re-skilling to sharpen the competence of our job seekers has been our priority, together with the development of sustainable technologies to create more green jobs,” ani Romualdez.
Sa ilalim ng kanyang liderato, sinabi ni Romualdez na ang Kapulungan ng mga Kinatawan ay nagpasa ng 33 sa 42 prayoridad na panukala, na pinagtibay sa Common Legislative Agenda ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC), sa pagtatapos ng Unang Regular na Sesyon.
“Towards the end of 2022, we have taken pride in our accomplishments of the 19th Congress in its first five months, acknowledging the swift but thorough passage of a substantial number of the President’s legislative agenda, including our priority measures in the House,” aniya.
“The results thus far have inspired confidence for us to pursue this further until our development goals are met,” dagdag ni Romualdez.
Bukod rito, binanggit ni Romualdez ang pag-apruba sa panukalang Maharlika Investment Fund na pinuri ni Pangulong Marcos bilang lubos na kinakailangan, “in order to establish a sustainable national investment fund as a strategic mechanism for strengthening the investment activities of top performing government financial institutions, and thus pump-prime economic growth and social development.”
Binanggit niya rin ang napapanahong paglagda ng P5.268-trilyon 2023 General Appropriations Act, na siyang “the most important and potent tool that the President, his economic team, and the entire government can use to accomplish the goals of the prosperity roadmap.”
Ipinabatid niya sa kanyang mga kapwa mambabatas sa ASEAN na ngayong linggo ay isinumite na ang panukalang FY 2024 National Budget sa Kongreso ng Pilipinas para sa kanilang hakbang.
“We intend to review and deliberate on the finer points of the proposal to ensure that it becomes the foundation of our vision for economic transformation,” ani Romualdez.
Ang pagbabahagi ng mga pinakamagagandang kasanayan sa pagitan ng mga parliyamento ng ASEAN, ayon pa kay Romualdez, ay makakapagtatag ng pagkakaisa at kooperasyon sa rehiyon, na siyang napakahalaga upang mas maging matatag at nagpapatuloy ang komunidad ng ASEAN.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home