Tuesday, August 08, 2023

ESTADO NG MANILAY BAY RECLAMATION PROJECT, PINAIIMBISTIGAHAN SA KAMARA

Inihain kahapon ng ACT-CIS Partylist ang isang resolusyon na magiimbestiga sa kasalukuyang lagay ng Manila Bay Reclamation project at ang isyung bumabalot dito na may matinding epekto sa pambansang seguridad at sa kapaligiran.


Sinabi ni ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo sa isang press briefing na nakababahala ang mga isyung lumutang sa nabanggit na proyekto kung saan ay kaisa siya sa sentiyemento ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na nais matiyak ang pambansang seguridad, transparency at pagpapanatili ng kaayusan ng kapaligiran para sa ikabubuti ng interes ng publiko.


Ayon kay Tulfo, nalaman niya kay Speaker Romualdez na nababahala ito matapos malaman galing sa iilang mga news report ang tungkol sa isyu ng pambansang seguridad sa may reclamation area habang committed naman siya sa pag-safeguard sa security ng ating bansa at mai-uphold ang ating territorial integrity at para mapanatili ang peaceful cooperation sa loob ng ating rehiyon.


Sinabi ni Tulfo na maging si Romualdez ay nais alamin kung sino ang namamahala sa pagbabantay sa mga Chinese vessels na nagsasagawa ng reclamation project.


Saad pa ni Tulfo na nakatanggap ng report si Speaker na ang mga Chinese crew ng sasakyang pang-dagat nila ay nagpupunta sa mga baybayin ng Pasay at Manila habang gabi.


Nauna nang nagpahayag ng pagkaalarma ang Estados Unidos matapos na mamonitor ang mga Chinese ships sa Manila Bay  na nagsasagawa ng ‘dredging operations’ bilang bahagi ng reclamation project  sa nasabing lugar.






Samantalang nangangamba naman ang ilang sektor na may mga Chinese military na dumaan dito sa gitna na rin ng isyu sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS) bukod pa sa mga illegal na  Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) workers na posibleng dumaan sa Manila Bay dahilan Chinese firm umano ang kinontrata sa nasabing ‘dredging operations‘. 


Sinasabing ang China Communications Construction Company ang nagsasagawa ng ‘dredging operations ‘ sa Manila Bay. Ang nasabing construction firm ay blacklisted umano at siyang nagsagawa ng ‘ artificial islands’ ng China na nagpalawak ng teritoryo sa kabila ng status quo sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.


“Whereas the preservation  and security of our nation are of paramount importance and any activity that may impact our national security requires scrutiny”, ayon sa House Resolution (HR) 1171 na inihain ng ACt -CIS Partylist sa Kamara.


Sa nasabing resolusyon ay hiniling ng ACT -CIS na imbestigahan ng kinauukulang komite ng Kamara na hindi limitado lamang sa  House  Committee on National Defense  at Committee on Ecology ‘ in aid of legislation ‘  ang nasabing isyu.


“ Whereas , the United States raises concerns that the reclamation project have ties  to the China Communication Construction Company which was cited by the World Bank and the Asian Development Bank for engaging in fraudulent business activities “, saad pa sa HR 1171.


“Ang tanong ko po, may ahensya ba tayo na chine-check ang mga barko na nakaparada diyan sa Manila bay ngayon na galing sa ibang bansa kung ito ba ay lehitimong dredging vessel o baka naman mga militia vessels na galing sa West Philippine Sea?” , punto ni Tulfo. 


“We want to be sure that when we wake up the next day, Manila bay is still part of the republic of the Philippines and not again in the hands of another nation,” dagdag pa nito.


Binigyang diin pa ni Tulfo na kailangan ang komprehensibong  pagsilip sa nasabing isyu para mabatid ang kasalukuyang status ng Manila Bay Reclamation Project partikular na kung walang paglabag sa environmental laws gayundin sa potensiyal na epekto sa ekonomiya, pambansang seguridad at pamayanan. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home