Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang House Bill 8200 o ang “Anti-Bulk Foreign Currency Smuggling Bill.”
Layon nito na magpapataw ng parusa sa mga sangkot sa bultong pagpupuslit ng mga dayuhang pera sa pamamagitan ng panloloko, misdeclaration at iba pang ilegal paraan papasok o palabas ng bansa.
Kapag naging ganap na batas --- ang Bureau of Customs o BOC ang mangunguna sa pagpapatupad.
Ang sinuman na pisikal na magpapasok o maglalabas ng lagpas ng 200,000 US dollars o katumbas nito sa ibang currency ay makukulong ng 7 hanggang 14 na taon at magmumulta ng doble ng halaga ng tinangkang i-smuggle.
Ang hindi naman pagdedeklara ng halaga na lagpas sa 10,000 US dollars o katumbas sa ibang currency ay may kaakibat na parusang 6-buwan hanggang 2-taong pagkakakulong at multang doble ng halaga na hindi idineklara.
Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez --- importante ang pagsasabatas sa panukala upang ma-preserba ang integridad ng “monetary system” ng ating bansa.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home