ISANG MILYONG PAMILYANG PILIPINO NAKATAKDANG MAKINABANG SA BAGONG PAGPAPALAWIG NG AMNESTIYA SA BUWIS SA LUPA
Inaasahang makikinabang ang may isang milyong pamilyang Pilipino sa pagpapalawig ng bagong amnestiya sa buwis sa lupa, ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ngayong Miyerkules.
Sinabi ni Speaker Romualdez na ang bilang ng inaasahang benepisaryo ay ipinabatid ng mga may-kaugnayang ahensya sa isinagawang deliberasyon sa Kapulungan, ng panukalang pagpapalawig na nilalaman ng House Bill (HB) No. 7909, na kung saan ay pangunahing may-akda si Speaker.
Ayon sa Republic Act (RA) No. 11956, ang mga Pilipino ay ginagawaran ng pagpapalawig hanggang ika-25 ng Hunyo 2025, upang bayaran ang kanilang mga obligasyon sa buwis matapos ang bisa nito noong ika-14 ng Hunyo, Noong Martes ang panukala ay nag “lapsed into law.”
Sinabi niya na ang bagong ekstensyon ay maggagawad sa mga benepisaryo ng sapat na panahon, upang kanilang mapakinabangan ang amnestiya, at mas mababang halaga ng buwis upang kanilang mabayaran ang kanilang mga obligasyon sa buwis sa lupa, at magamit ang mga propriedad at iba pang pag-aari na kanilang minana sa kanilang mga namayapang kaanak at mga mahal sa buhay.
“Bumabawi pa lamang ang karamihan sa Covid-19 pandemic at napaso na ang amnesty deadline na isang beses nagkaroon ng ekstensiyon kaya kailangan ng panibagong batas dito na pakikinabangan ng maraming pamilyang Pilipino,” giit ni Speaker Romualdez, pinuno ng 312-miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan.
Idinagdag niya na ang mga target na benepisaryo ay kinabibilangan ng mga ligal na tagapagmana, mga estate executors at mga administrador.
Binigyang-diin ni Speaker na ang pagbabayad sa lupa sa buwis ay hindi lamang magreresulta sa karagdagang kita sa buwis para sa pamahalaan, kungdi sa mabilis din na pamamahagi at paggamit ng propriedad tulad ng lupain.
“Magbubunga ng kaunlaran ang paglinang sa mga ari-arian na hindi lamang pakikinabangan ng mga pamilyang nagmamay-ari kundi maging ng buong komunidad,” ani Speaker.
Ang pagbebenta at/o pagpapaunlad ng propriedad na ito ay makakalikha ng kita, trabaho at mga aktibidad pang ekonomiya, aniya.
Nanawagan si Speaker sa mga tinukoy na benepisaryo na samantalahin upang pakinabangan ang bagong pagpapalawig.
Hinimok niya rin ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na simplehan ang proseso sa pag-aaplay sa amnestiya at payagan ang online filing, lalo na sa mga tagapagmana na mga overseas Filipino workers (OFWs).
Sinabi niya na ang pandemiya at ang pinansyal at kahirapan sa ekonomiya ang siyang naging dahilan na mahirapan ang libo-libong tagapagmana, lalo na ang mga nasa lalawigan na samantalahin ang mga benepisyo ng batas, ang RA 11213, o ang Tax Amnesty Act, na isinabatas noong ika-14 ng Pebrero 2019.
“They have already suffered enough because of the pandemic. Let us not make the situation more difficult for them by giving them more time to avail themselves of those benefits,” aniya.
Inaprubahan ng Kapulungan ang panukalang estate tax amnesty extension sa pabor na botong 259.
Sa ilalim ng RA No. 11213, ang mga benepisaryo ay mayroon lamang hanggang ika-15 ng Hunyo 2021 na mag-aplay ng amnestiya.
Sakop ng batas ang mga lupang pag-aari ng mga pumanaw noon at bago ang ika-31 ng Disyembre 2017, mayroon o walang inisyung assessment, at ang mga hindi nabayarang buwis sa lupa hanggang sa parehong petsa.
Iniaalok ng batas sa mga nais na pakinabangan ang amnestiya ng kaligtasan sa sibil, kriminal, at mga administratibong kaso at kaparusahan sa ilalim ng 1997 Tax Code.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home