Nagkasundo ang Kamara at ang LTFRB na palawigin pa ang pilot study program para sa motorcycle taxis.
Ito’y matapos masita ng House Committee on Transportation ang ahensya sa kung bakit tila naging unlimited na ang pilot study para sa motorcycle taxis.
Punto ni Antipolo Rep. Romeo Acop, Chair ng komite dapat ay 2021 pa natapos ang pilot study ngunit naglabas ng panibagong memorandum ang LTFRB para ipagpatuloy ang programa
Tila kinuha na aniya ng ahensya ang kapangyarihan ng Kongreso ng magdesisyon itong hayaan ang pagbiyahe ng mga motorcycle taxi sa kabila ng kawalan ng batas.
Dahil naman dito, nagkaroon na ng monopolyo ang tatlong kompanya na kabilang sa pilot program.
“Why don't you make a report to the House that your study was already terminated and you are coming up with your final report to this committee? Kasi inaantay niyo na kami yung magsabing itigil niyo na eh, which is wrong. So parang nagkakaroon na sila ng franchise na mag-operate. Because there's no limit anymore,” punto ng kongresista.
Matapos naman ang pag-dinig sinabi ni LTFRB Chair TEofilo Guadizz III na palalawigin pa ang pilot study at isasama na rin ang iba pang lugar sa bansa at magpapasok na rin ng iba pang TNC.
Sa ngayon kasi ang pilot study ay sa Metro Manila, Cebu at Cagayan de Oro lamang at ang kompanyang kasali ay ang MoveIt, Joyride at Angkas.
“Napagkasunduan ng mababang kapulungan na yung pag-aaral dito sa MC TAXI ay paigitingin pa and then we will be entertaining more players. However we will set a timeline bago namin to matapos. So mag-eextend pa po ito sa iba-ibang urban areas sa Pilipinas and then there will be more players to be taken in.” sabi ni Guadiz.
Maglalabas aniya sila ng bagong guidelines patungkol dito ay isasama na rin ang pagbabawal sa multi-homing o pag-eenrol sa dalawa o higit pang motorcycle taxi company.
“Sa aming policy po, dapat isa lang po yan pero hindi naman malinaw yung unang pinasang policy so sa ngayon we still allow multi homing but in our subsequent memorandum circular na ilalabas ko po, ipagbabawal po dapat kung naka-enroll ka sa isang TNC company, hindi ka na pwede mag-enroll sa iba. That’s the multi-homing system.” dagdag ng opisyal.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home