Friday, August 11, 2023

MGA PANUKALANG SUSOG SA "ANTI-AGRICULTURAL SMUGGLING ACT OF 2016," TINALAKAY

 

Nagpulong ngayong Martes ang Technical Working Group (TWG) ng Komite ng Agrikultura at Pagkain sa Kapulungan ng mga Kinatawan, upang talakayin ang pagsasama-sama ng mga panukalang batas na naglalayong amyendahan ang Republic Act (RA) 10845, o ang "Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016." Ang mga panukalang pagsasama-samahin ay ang mga House Bills (HBs) 319 at 8455, na inihain nina Benguet Rep. Eric Go Yap at Quezon City Rep. Ralph Wendel Tulfo; HBs 3596, 7202, 8104, 8600 at 8673, nina Albay Rep. Joey Salceda, Iloilo Rep. Julienne Baronda, Surigao del Sur Rep. Johnny Ty Pimentel, Quezon Rep. Keith Micah Tan, and Sultan Kudarat Rep. Horacio Suansing Jr.; HBs 5742, 6975 at 8424 ni AGRI Rep. Wilbert Lee, AGAP Rep. Nicanor Briones at GABRIELA Rep. Arlene Brosas, ayon sa pagkakasunod.  Nagpahayag ng pag-asa si TWG Chairperson at Nueva Ecija Rep. Mikaela Angela Suansing na “through the amendments we will make to the ‘Anti-Agricultural Act of 2016,’ perpetrators of economic sabotage who have continually evaded punishment at the expense of the livelihoods of Filipino farmers, may finally face prosecution commensurate to the damage caused by their actions,” at idinagdag pa niya na “this reinforced law may deter others who may aspire to pursue such extractive activities from following suit.”  Nagkaisa ang Komite na gamitin ang HB 8673 bilang balangkas na bersyon ng panukala, na binago ang titulo ng panukalang batas upang isama ang pag-iimbak, labis-labis na pagkita, mga kartel, at iba pang mga aksyon ng pang-aabuso sa merkado bilang mga anyo ng pagsabotahe sa ekonomiya. Ang iminungkahing maikling titulo ng panukalang batas ay ang "Expanded Anti-Agricultural Smuggling Act of 2023." Sa ilalim ng panukalang batas, ang Seksyon 2 ng RA 10845 ay dapat rebisahin upang bigyan ng mas mahigpit na parusa ang mga pampublikong opisyal at manggagawa na nakikibahagi, kumukunsinti, o pumayag sa malakihang kontrabando. Layon din ng mga tagapagtaguyod ng panukala ang bumuo ng isang anti-agricultural economic sabotage task force. Ang iba pang iminungkahing susog sa batas ay: pagpapalawak ng listahan ng mga produktong pang-agrikultura, at ang mga gawain na bumubuo ng pagpupuslit; pagpapasimple sa pagpapataw ng mga parusa upang epektibong mapataas ang mga parusa at multa; at pagpapalawak ng listahan ng mga ahensya na maaaring magsagawa ng mga kaso ng pagpupuslit, at iba pa. Tinatapos din ng Komite ang kahulugan ng 'kartel' na isasama sa kapalit na panukala.  Ang Komite ng Agrikultura at Pagkain ng Kapulungan ay pinamunuan ni Quezon Rep. Wilfrido Mark Enverga. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home