Friday, August 11, 2023

DINAGDAGANG PAGGASTA PARA SA DEPENSA SA PANUKALANG 2024 BADYET AT PAGPAPALAKAS NG KAKAYAHAN PARA DEPENSAHAN ANG KARAPATAN NG PILIPINAS SA KASARINLAN, SUPORTADO NG KAPULUNGAN AYON KAY SPEAKER


Ipinahayag ngayong Martes ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na sinusuportahan ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang pagdaragdag sa gastusin para sa sektor ng depensa, sa ilalim ng panukalang P5.768-trilyong 2024 pambansang badyet, upang palakasin ang ating kakayahan na ipagtanggol ang integridad sa teritoryo ng ating bansa.


Noong Lunes, sinuportahan ni Romualdez ang pasya ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" R. Marcos Jr. na konsultahin ang mga pinuno ng militar sa iligal na paggamit ng water cannon ng mga barko ng Tsina sa Philippine Coast Guard at mga sasakyang pandagat na sibilyan, na nagsusuplay sa platoon ng mga sundalong Pilipino na nakatalaga sa Ayungin Shoal sa Palawan.


Ipinahayag ni Romualdez ang kanyang suporta habang nasa Jakarta, Indonesia bilang pinuno ng delegasyon ng Pilipinas sa 44th AIPA (ASEAN Inter-Parliamentary Assembly) General Assembly.


“Our commitment to safeguarding our territorial integrity and ensuring the safety of our citizens remains unwavering. As a nation, we must take proactive measures to enhance our defense capabilities and ensure that we have the necessary resources to effectively protect our sovereign rights,” ayon kay Romualdez. 


Binanggit niya na sa ilalim ng panukalang 2024 badyet, ang alokasyon para sa sektor ng depensa ay P282.7 bilyon, o 21.6 porsyento na mas mataas kumpara sa P203.4 bilyon alokasyon sa ilalim ng 2023 badyet. 


Ayon sa mensahe ng Pangulo sa badyet, ang pondong ito ay susuporta sa mga programa sa depensa ng Land, Air, at Naval Forces, na nagkakahalaga ng kabuuang P188.5 bilyon, kabilang ang UN Peacekeeping Mission, at iba pa, upang matiyak ang lokal na seguridad.


“This allocation demonstrates our dedication to maintaining a strong and credible defense posture, one that sends a clear message that we will not compromise when it comes to safeguarding our national interests,” ani Romualdez.


“We must remember that a strong defense is not merely a tool for confrontation, but a means to uphold peace, stability, and the rule of law,” dagdag niya.  


Sinabi niya na tungkulin ng buong pamahalaan na ang ating bansa ay may sapat na kagamitan upang harapin ang anumang hamon na maaaring maging banta sa atin.


“By prioritizing our defense sector in the budget, we are making a commitment to our people, to our allies, and to the international community that reflects our unwavering resolve to protect our sovereignty and promote regional stability,” ani Romualdez. 


Ipinahayg rin ni Speaker ang kanyang suporta sa mga hakbang diplomatiko na ginagawa ng pamahalaan kaugnay ng panggigipit sa Coast Guard at mga barkong sibilyan na nagdadala ng suplay noong Sabado.


Nagpadala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng diplomatic note sa Beijing bilang protesta laban sa insidente ng pambobomba ng tubig sa Ayungin.


Pinuri ni Romualdez ang Pangulo sa kanyang paninindigan sa usapin ng kasarinlan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.


“We support his position that we should continue to assert our sovereignty there and that we should defend every inch of our territory,” aniya. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home