MGA TAGAPAMAHALA NG EKONOMIYA, TATALAKAYIN SA KAPULUNGAN ANG 2024 PAMBANSANG BADYET
Nakatakdang simulan ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang pormal na pagdinig sa Huwebes ng P5.678-trilyon pambansang badyet na ipinanukala ni Pangulong Ferdinand
“Bongbong” Romualdez Marcos Jr. sa Kongreso para sa susunod na taon.
Unang makakaharap ng Kapulungan ang mga miyembro ng economic team ng Pangulo na kinabibilangan ng Development Budget Coordination Committee (DBCC).
Ito ay sina Budget Sec. Amenah Pangandaman, Finance Secretary Benjamin Diokno, National Economic and Development Authority Director General Arsenio Balisacan, at Bangko Sentral ng Pilipinas Gov. Eli Remolona.
Inaasahang tatalakayin ng apat sa mga mambabatas ang kalagayan ng ekonomiya ng bansa, at ang mga inaasahang macro-economic assumptions na ginamit sa pagbalangkas ng panukalang programa sa paggasta para sa 2024
Ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, nais niya at ng kanyang mga kapwa mambabatas na malaman mula sa mga tagapamahala ng ekonomiya “how the country could sustain its economic growth and how such growth could benefit our people.”
“Sa paglago ng ating ekonomiya, dapat itong maramdaman ng ating mga kababayan, lalo na ang mga mahihirap sa usapin ng trabaho, kabuhayan at iba pang oportunidad at maging ang pagkakaroon ng pagkain sa lamesa. Sabi nga ng mga ekonomista, dapat maramdaman at makinabang ang lahat,” ani Speaker Romualdez, pinuno ng 312-miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan.
Sinabi niya na maraming mahihirap ang nagrereklamo na mayayaman lamang anila ang nakikinabang sa paglago ng ekonomiya, ang mga malalaking kompanya, at ang mga players ng stock at financial market.
“The poor say they cannot eat growth. If majority of our people do not feel our economic expansion, they should at least see it in terms of the proper use of the national budget for social services, infrastructure, education, health, and even direct financial assistance to the poor and other vulnerable sectors,” giit ng pinuno ng Kapulungan.
Dahil rito, nais ng mga mambabatas na makita ang karagdagang alokasyon sa mga serbisyong ito at mga programang pangmahirap, dagdag niya.
Muli niyang ipinangako na kanilang bubusisiing maigi ang pagpapatupad ng bagong Agrarian Emancipation Law at ang apropriyasyon para dito.
“The law is the hope of more than 600,000 farmers to get rid of over P5 billion in indebtedness that has been hobbling them for years. Now that the law has condoned such debt, we want our farmers to receive support in terms of new credit, inputs, farm equipment, technology, and other assistance so they can recover,” aniya.
Kanyang sinabi na ang nakikinabang sa batas ay nagbubungkal ng isang milyong ektarya ng lupaing sakahan, na karamihan ay nakatuon sa produksyon ng bigas.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home