Friday, August 18, 2023

PANUKALANG P2.597-B BADYET NG DOE, SINURI NG KOMITE

 

Sinuri ngayong Miyerkules ng Komite ng Appropriations sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni AKO BICOL Rep. Elizaldy Co ang P2.592 bilyong panukalang badyet ng Department of Energy para sa piskal na taong 2024. 


Mas mataas ito ng 16.7 porsiyento kumpara sa badyet ng DOE ngayong taon na P2.222 bilyon. Sa P2.597 bilyong panukalang pondo, 48 porsiyento o P1.246 bilyon ang ilalaan sa maintenance at iba pang operating expenses, 27 porsiyento o P700 milyon para sa personnel services, at 25 porsiyento o P645.46 milyon para sa capital outlay. 


Pinag-aralan din ng Komite sa pangunguna ng opisyal na tagapamuno at Komite ng Appropriations Vice Chairman, Camarines Sur Rep. Arnie Fuentebella ang mga programa at proyekto para sa taong 2024 ng mga sangay na ahensya at mga kaakibat ng DOE sa pagsusulong nitong matiyak ang pangmatagalan, matatag, ligtas, sapat, malapit at makatwirang halaga ng enerhiya. Kabilang dito ang National Power Corporation, (NPC), Energy Regulatory Commission (ERC), National Electrification Administration (NEA), Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM), National Electrification Administration (NEA), National Transmission Corporation (TransCo), at Philippine National Oil Company (PNOC). 


Ang DOE sa ilalim ng pamumuno ni Energy Secretary Raphael Lotilla, gayundin ng mga pinuno ng mga sangay na ahensya at mga kasosyo ay naglahad ng kanilang mga plano at programa para sa 2024 sa pagdinig ng badyet. 


Sa interpelasyon, tinanong ni PHILRECA Rep. Presley de Jesus ang mga opisyal ng DOE kung ilan ang nakabinbin na environmental compliance certificate (ECC) para sa pagbuo ng kuryente. 


Ipinabatid naman ni DOE Undersecretary Sharon Garin na para sa hydropower, ito ay may bilang na 162; enerhiya ng karagatan, isa; hangin, 176; geothermal, 21; at solar, 108. Ang mga power generators ay may kabuuang kapasidad na 94,324 megawatts. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home