RESOLUSYONG PAGPAPATALSIK KAY REP. TEVES, PINAGTIBAY NG KAPULUNGAN; PANUKALANG “TRABAHO PARA SA PILIPINO ACT,” PASADO SA IKALAWANG PAGBASA
Pinagtibay ng Kapulungan ng mga Kinatawan, sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mga natuklasan at mga rekomendasyon ng Komite ng Ethics and Privilege na isinasaad ng Committee Report 717, na nagpapataw ng kaparusahang pagpapatalsik kay Rep. Arnolfo Teves Jr. (3rd District, Negros Oriental). Ang committee report ay nakakuha ng pabor na botong 265, walang negatibo at tatlong abstensyon. Inaprubahan rin ng Kapulungan sa ikalawang pagbasa ang House Bill (HB) 8400, o ang panukalang “Trabaho Para sa Pilipino Act”, na magsasa-institusyon at magpapalawig sa National Employment Recovery Strategy (NERS) sa plaong paglikha ng mga trabaho at paglalaan ng pondo para rito. Ang panukala ay iniakda nina Rep. Gus Tambunting (2nd District, Parañaque City), Rep. Eduardo “Bro. Eddie” Villanueva (Party-list, CIBAC) ay kanila itong inisponsoran sa plenaryo. Layon ng panukala na isagawa ang Jobs Creation Plan, na pagsasamahin ang 2021-2022 NERS, na siyang master plan ng pamahalaan para sa pagbawi ng merkado sa trabaho na lubhang naapektuhan ng pandemiya, na siyang magiging ‘employment recovery and generation masterplan’ng estado. Ayon kay Rep. Tambunting, sumailalim ito sa tatluhang konsultasyon sa isinagawang mga pagdinig ng Komite bago inaprubahan. Pinagtibay rin ng Kapulungan ang House Resolution 1191, na bumabati at pumupuri sa Filipino choral group Kammerchor Manila, sa pagwawagi nila ng titulong 2023 Choir of the World sa Ilangollen International Musical Eisteddfod na idinaos sa Wales, United Kingdom noong ika-8 ng Hulyo 2023. Ang resolusyon ay iniakda nina Speaker Romualdez, Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales, Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, Minority Leader Marcelino Libanan, Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos, Committee on Accounts Chairperson Rep. Yedda Marie Romualdez at kapwa Tingog Party-list Rep. Jude Acidre. wantta join us? sure, manure...
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home