Tatalakayin ng Nationalist People’s Coalition o NPC kung tatanggalin ba o hindi bilang kanilang miyembro ang na-expel na Kamara na si Arnolfo Teves Jr.
Sa panayam ng mga mamamahayag, sinabi ni Rizal 1st district Rep. Michael John Duavit, na pinuno ng House contingent para sa NPC --- inasahan na nila ang naging pasya ng Kamara na patalsikin si Teves bilang House member.
Kinumpirma ni Duavit na bumoto siyang pabor. Malinaw din aniya na ang batayan sa desisyon ay ang patuloy na pag-absent ni Teves sa Kamara.
Pagdating ng usapin kung aalisin si Teves sa kanilang partido, sinabi ni Duavit na dapat itong pag-usapang mabuti.
Paliwanag niya, may local party din dito at may mga kasamahan sa Negros Oriental si Teves, na kailangan ding makuha ang opinyon.
Inamin naman ni Duavit na may NPC members na pabor na alisin na sa partido si Teves, pero mayroon ding mga tutol.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home