Friday, August 18, 2023

KALAGAYAN NG PRODUKSYON AT SUPLAY NG BIGAS, TINALAKAY NG KOMITE 


Nagpulong ngayong Miyerkules ang Komite ng Agrikultura at Pagkain sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Quezon Rep. Wilfrido Mark Enverga sa mga opisyal ng Kagawaran ng Agrikultura (DA), upang talakayin kung sapat ang suplay ng bigas sa bansa. Ipinaliwanag ni Rep. Enverga na idinaos ang pulong dahil may mga ulat ng napipintong krisis sa bigas, sa kabila ng mga pahayag ng mga undersecretary ng DA na inaasahan ng bansa ang 852,000 metriko tonelada (MT) ng aangkating bigas, at 5.7-million MT ng “palay” sa unang semestre ng pag-ani. 


“We need accurate information so Congress would know where to come in to be able to help and support the programs of the department,” aniya. Kinumpirma ni DA Undersecretary Mercedita Sombilla na kailangang mag-angkat ng bigas bilang paghahanda sa El Niño phenomenon na inaasahang tataas sa ikaapat na quarter ngayong taon, hanggang sa unang quarter ng 2024. 


Ipinapanukala ng DA ang sunud sunod na pag-aangkat ng bigas mula sa Vietnam, Myanmar, Thailand, Pakistan at India, partikular sa panahon ng El Niño. Para mapadali ang pagpasok ng mga aangkating bigas, iminungkahi din ng DA ang pagtatatag ng “super green lane” para sa limitadong panahon hanggang Pebrero 2024. Layon din ng DA na palawigin ang Executive Order 10, na nagbibigay-daan para sa pinababang mga taripa ng Most-favored Nation (MFN) para sa ilang mga produkto, kabilang ang bigas. 


Nilinaw naman ni Usec. Sombilla na ang mga ito ay panandaliang rekomendasyon, upang matiyak ang sapat at kakayahang magamit ng lokal na suplay. 


Ayon kay DA Rice Industry Development Undersecretary Leocadio Sebastian, ang kanyang grupo ay nakikipagtulungan sa National Irrigation Administration (NIA) upang mapakinabangan ang produksyon ng bigas sa panahon ng tagtuyot bilang isang pangmatagalang solusyon sa usapin. 


Kasalukuyan ding pinag-aaralan ng DA ang iba pang mga interbensyon tulad ng pagbibigay ng mga binhi at pataba. 


Sinabi ni Nueva Ecija Rep. Rosanna Vergara na kailangan ang pisikal na imbentaryo ng lokal na output ng bigas ng bansa, gayundin ang pagsugpo sa mga iligal ba nag-aangkat at iba pang nagmamanipula ng halaga para maiwasan ang kakulangan sa bigas. 


Hinikayat din ng mga mambabatas ang DA na maghanap ng mga alternatibo upang mabawasan na umasa ang bansa sa pag-angkat ng bigas. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home