Friday, August 18, 2023

MGA PANUKALA NA NAGMAMANDATO NG SPORTS VOUCHERS PARA SA MGA KABATAANG ATLETA AT SUPORTANG PONDO PARA SA MGA SPORTS CLUBS, PASADO SA KAPULUNGAN


Inaprubahan ng mga miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan ngayong Miyerkules ang panukala na naglalayong suportahan ang mga batang atletang Pilipino, sa pamamagitan ng pagtatatag ng sports voucher system, na kanilang magagamit sa kanilang pagsasanay, o para sa pagbili ng mga kagamitan para sa palakasan.


Sa nagkakaisang 275 boto, inaprubahan ng Kapulungan ang House Bill (HB) No. 8495 na may titulong “An Act Strengthening Local Sports Programs to Develop Young Athletes,” na maglalaan rin ng pondo para sa mga sports clubs, mga organisasyon o mga asosasyon na akreditado, o kinikilala ng Philippine Sports Commission (PSC).


“Our victories and triumphs in the last Olympics and the recent South East Asian Games only prove that, with more support for our sports programs, Filipino athletes can certainly dominate the world stage of sports. This is what the bill is trying to achieve by supporting athletes while they are young,” ayon kay Speaker Martin G. Romualdez, pinuno ng 312-miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan.


Ilan sa mga pangunahing may-akda ng panukala sina Reps. Yedda Marie K. Romualdez, Jude Acidre, Bai Dimple Mastura, Ramon Jolo Revilla III, Alfred Delos Santos, Lord Allan Velasco, Ernesto Dionisio Jr., Gus Tambunting, Jose Teves, Mujiv Hataman, Rudys Caesar Fariñas I, at Manuel Dalipe.


Sa ilalim ng HB 8495, ang mga pondo sa programa ay ilalaan sa tatlong pangunahing kategorya: Get Started Fund, Get Going Fund at Get Playing Fund, na lahat ng ito ay pangangasiwaan ng PSC.


Ang Get Started Funds ay magbabahagi sa mga batang atleta, kabilang ang mga may kapansanan, na may taunang discount voucher na nagkakahalaga ng P3,000 upang “(to) help pay for their membership, registration, participation, training, or general fees, including the purchase of sports equipment and uniforms.”


Ang mga vouchers na ito, ayon sa panukala, “can be redeemed at any sports club, recreation club, sports association or organization that is duly accredited or recognized by the PSC and have facilities and activities which can provide the proper, well-equipped, safe, healthy, comfortable, and accessible venue and opportunities for training and competition.”


Ayon pa sa panukala, upang mapakinabangan ang sports voucher, ang batang atleta ay dapat na mas bata sa edad na 18 taong gulang, at aktibong lumalahok sa anumang larangan ng palakasan; miyembro ng anumang lokal na sports club, organisasyon o asosasyon; at residente sa naturang lokalidad kung saan naroroon ang sports club, asosasyon o organisasyon.


Ang mga sports vouchers ay hindi maaaring palitan ng salapi, hindi rin maaaring mailipat at hindi na maaaring magamit kapag ito ay gamit na.


Samantala, ang Get Going Fund at the Get Playing Fund naman ay maglalaan ng taunang suporta sa pondo sa mga akreditadong sports clubs, organisasyon o asosasyon na nagkakahalaga ng P50,000 hanggang P500,000, ayon sa pagkakasunod. Ang Get Going Fund ay para sa pagpapanatili ng mga umiiral na mga proyekto at mga programa na nagsusulong ng mga kaunlaran sa palakasang katutubo, habang ang Get Playing Fund ay para naman sa pagpapaunlad ng mga pasilidad sa palakasan, upang mahikayat ang mga batang atleta na maging aktibong kalahok sa mga palaro na kanilang mapipili.


Iminamantado ng panukala sa PSC na magbalangkas ng implementing rules and regulations, at mga kinakailangang pondo para sa programa, at isasama ito sa badyet ng Komisyon sa ilalim ng General Appropriations Act. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home