ANTI-MONEY LAUNDERING AT IBA PANG MAHAHALAGANG PANUKALA, APRUBADO NG KAPULUNGAN
Sa pabor na botong 266, nagkakaisang inaprubahan ngayong Miyerkules sa Ikatlo at Huling Pagbasa ng Kapulungan ng mga Kinatawan, sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang House Bill 8200, o ang iminungkahing “Anti-Bulk Foreign Currency Smuggling Act”. Palalawakin ng HB 8200 ang saklaw ng "Anti-Money Laundering Act of 2001," upang matiyak na ang bansa ay hindi ginagamit sa laundering ng pera mula sa mga iligal na aktibidad. Ang mga pangunahing may akda ng panukalang batas ay sina Albay Rep. Joey Sarte Salceda at AAMBIS-OWA Party-list Rep. Lex Anthony Cris Colada. Sa botong 266-0-0, inaprubahan din ng Kapulungan sa Ikatlo at Panghuling Pagbasa ang HB 8349, na naglalayong ilagay ang mga non-academic at non-teaching na mga kawani sa governing boards ng lahat ng State Universities and Colleges (SUCs). Ang panukalang batas ay magpapabago sa Republic Act 8292, na karaniwang kilala bilang "Higher Education Modernization Act of 1997." Ang iba pang mga panukalang batas na nagkakaisang inaprubahan sa Ikatlo at Panghuling Pagbasa ay: 1) HB 8392, na layong magkaroon ng pamantayan sa mga benepisyo sa pagreretiro ng mga mahistrado, hukom, at mga opisyal ng hudikatura na pinagkalooban ng ranggo ng hudikatura, suweldo, at mga pribilehiyo; 2) HB 8461, pagpapalakas ng National Health Program for Senior Citizens; 3) HB 8500 o ang iminungkahing “New Philippine Building Act;” 4) HB 8520, na lumilikha ng mga mandatoryong posisyon para sa isang human resource management officer, gayundin ang business permit at licensing officer para sa mga munisipalidad at lungsod; at 5) HB 8569, ang iminungkahing "Green Measures Act."
Kasama sa mga inaprubahang panukala sa ikatlo at huling pagbasa ay ang 14 na hakbang na magtatatag ng karagdagang mga regional trial court, municipal trial court, at Shari'a judicial district sa iba't ibang lalawigan. Pinangunahan ni Deputy Speaker Roberto Puno ang sesyon sa plenaryo ngayong Miyerkules. wantta join us? sure, manure...
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home