PANUKALA NA ISINUSUNOD SA PAMANTAYAN AT PAGPAPALAWIG NG MGA BENEPISYO NG MGA OPISYAL NG HUDIKATURA, APRUBADO NG KAPULUNGAN
Sa nagkakaisang pabor na botong 266, inaprubahan ng mga mambabatas sa ikatlo at huling pagbasa ngayong Miyerkules ang panukala, na naglalayong isunod sa pamantayan at palawigin ang mga benepisyo ng mga retiradong mahistrado, na ngayon ay kabibilangan na rin ng mga ‘opisyal ng hudikatura’ na “conferred with the same rank.”
Inamyendahan ng House Bill (HB) No. 8392 ang Republic Act (RA) No. 910, ang orihinal na batas noong Hunyo 1953 na namamahala sa pagreretiro ng mga mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman at Court of Appeals, na inamyendahan rin ng batas noong Enero 2010, o ang Republic Act 9946, na naggagawad sa kanila ng “additional retirement,
survivorship and other benefits.”
Ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, pinuno ng 312-miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan, ang “measure aims to recognize the substantial equality in the roles of judiciary officials conferred with judicial rank in the judiciary vis-à-vis the members of the judiciary, and which entitles these officials to “all retirement benefits being received by their counterpart justices and judges.”
Ilan sa mga pangunahing may-akda ng panukala ay sina Reps. Rufus Rodriguez, Juliet Marie de Leon Ferrer, Zaldy Co, Stella Luz Quimbo, Raymond Democrito Mendoza, Marcelino Libanan, Janette Garin, Wilter Palma, Toby Tiangco, Antonio “Tonypet” Albano, Alfred Delos Santos, Sandro Gonzalez, PM Vargas, Salvador Pleyto, LRay Villafuerte, Manuel Dalipe, at Jurdin Jesus Romualdez.
Ang mga Jurists mula sa SC, CA, anti-graft court Sandiganbayan at Court of Tax Appeals ay pinagsama-sama hangga’t may katulad silang “judicial rank, salary and privileges” sa mga opisyal ng hudikatura na ito – na katulad rin ng mga hukom sa mababang trial courts sa buong kapuluan.
Ito ay ang mga hukom sa mga regional trial courts, metropolitan trial courts, municipal circuit trial courts at Shari’a district at municipal courts sa Mindanao, kung saan ang mga kaso ng mga Muslim ay nililitis at inaayos.
“All pension benefits of retired members of the judiciary and judiciary officials with judicial rank, salary and privileges shall be automatically increased whenever there is an increase in the salary and allowances of the same position from which they retired,” ayon sa ilang bahagi ng panukalang batas.
Ayo pa sa HB 8392, sakop rin nito ang mga nagretiro bago magkabisa ang panukala na “(who) compulsorily retired at the age of 65, to receive the benefits, provided that all the benefits to be granted” shall be “prospective” – na ang kahulugan ay forward o onward, na walang retroactive effect.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home