Friday, August 11, 2023

Magkakaroon na ang bansa ng bagong National Building Code.


Yan ay kung tuluyan nang magiging ganap na batas ang House Bill 8500, na aprubado na ng Mababang Kapulungan sa ikatlo at huling pagbasa.


Ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez, pakay ng panukala na maprotektahan ang buhay at kaligtasan ng publiko mula sa anumang pinsala sa pamamagitan ng pagtatayo ng mas ligtas na mga gusali at imprastraktura, at matatag laban sa malalakas na lindol, bagyo at baha, sunog, pagputok ng bulkan at katulad.


Sinabi ni Romualdez na ang kasalukuyang building code na nakapaloob sa Presidential Decree (PD) No. 1096, ay ginawa noon pang Feb. 19, 1977 --- na mahigit 45-taon dahil ito ay panahon pa ni dating Pang. Ferdinand Marcos Sr., ang ama ni PBBM.


At mula noon, marami nang developments at pagbabago ang ipinatupad sa building standards and technologies, climate change, at disaster risk reduction and management.


Kaya naman, giit ni Romualdez --- napapanahon nang i-update ang batas sa ilalim ng ikalawang Marcos administration.


Kabilang sa mahalagang probisyon ng New National Building Code ay pagkakaroon ng bagong “classification system” para mapadali ang proseso ng pagkuha ng building permit.


Habang ang mga disenyo ng mga gusali ay dapat na maging matatag laban sa “multiple hazards,” gagamit ng teknolohiya para sa “efficient” na supply ng kuryente at tubig, sumusuporta sa mga pangangailangan ng persons with disabilities o PWDs, gagamit ng mga materyal na may “recyclable content” basta’t matiyak na hindi makokompromiso ang integridad at kaligtasan na istruktura, at iba pa. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home