Friday, August 25, 2023

BADYET NG DA PARA SA FY 2024, SINURI NG KOMITE NG APPRO; KASAPATAN NG BIGbAS IKINABAHALA NG MGA MAMBABATAS

 

Sinimulan ngayong Martes ng Komite ng Appropriations sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni AKO BICOL Rep. Elizaldy Co ang pagsusuri sa P167.5 bilyong panukalang badyet ng Department of Agriculture (DA) para sa Piskal ng Taong 2024. Mas malaki ng 6.15 porsiyento ang panukalang 2024 badyet ng DA kumpara sa 2023 badyet, na katumbas ng P9.7 B na pagtaas. Maaga pa lamang ay humingi na ng paglilinaw si Albay Rep. Edcel Lagman hinggil sa suplay ng bigas sa bansa. Iniulat ni DA Undersecretary Mercedita Sombilla na, "Iyong pong August (rice supply) natin is for 39 days. Iyong ating September is I think about 40 to 45 days. So medyo manipis po iyon that's why we wanted sana for the importation to beef up until September 15 man lang to reach around 45 to 50 days that will provide us greater security in terms of rice supply." Ipinunto naman ni Komite ng Appropriations Senior Vice Chairperson at Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo na ang buffer stock para sa mga susunod na buwan ay mas mababa sa pinakamataas na antas, at nagpahayag ng kaniyang pagsang-ayon sa panukalang mag-angkat, “Ang pwede nating gawin is we protect ourselves by giving government some limited role in procurement. And yun nga, ang magiging papel nila is to import so that they are able to set price." Hinimok din ni TGP Representative Jose Teves Jr. ang DA na tingnan ang kalagayan ng bumababang sektor ng abaka. Ang iba pang mga tampok na katangian ng 2024 panukalang badyet ng DA ay kinabibilangan ng: 1) P2.22 bilyon para sa implementasyon ng Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE) Program; 2) P9.55 bilyon para sa suporta sa pataba sa pamamagitan ng voucher ng diskwento at Interventions Monitoring Card (IMC) sa ilalim ng National Rice Program; 3) P374-milyon para sa pagtatayo ng pasiidad ng imbakan ng sibuyas; 4) P492.70-milyon para sa pagpapatupad ng KADIWA Program; 5) P2.75 bilyon para sa Agricultural Credit Program sa ilalim ng ACPC, at iba pa. Pinangunahan ni Komite Vice Chairperson at Isabela Rep. Antonio Albano ang deliberasyon. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home