Friday, August 25, 2023

Umusad na sa Mababang Kapulungan ang iba’t ibang panukala na layong matiyak ang abot-kaya, “accessible” at de-kalidad na mga libro para sa mga pribado at pampublikong paaralan sa ating bansa, at mapalakas ang industriya ng mga libro. 


Bumuo ang House Committee on Basic Education and Culture sa pamumuno ng chairman nito na si Pasig City Rep. Roman Romulo ng isang technical working group o TWG, upang ma-consolidate ang hindi bababa sa 9 na House Bills na nakahain ngayong 19th Congress. 


Kabilang dito ang House Bill 2670 ni Manila Teachers PL Rep. Virgilio Lacson, na nagsusulong na gawing batas ang libreng “learning materials” at iba pang school supplies para sa mga estudyanteng Kinder hanggang Grade 12 sa mga pampublikong eskwelahan. 


Paliwanag ni Lacson, isa sa mga manipestasyon ng kabiguan sa education system ay ang kakapusan ng sapat na kagamitan ng mga mag-aaral. At halimbawa rito ang maraming public school students na problemado sa pagbili ng mga gamit pang-eskwela, tulad ng notebooks, lapis at iba pa. 


Kaya naman mahalaga aniya na matulungan ang mga estudyante, at makatutok sila ng husto sa pag-aaral. 


Isa pang panukala ay ang House Bill 6653 ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na nagtutulak ng mapanatili ang “retail price” at “uniform discount scheme” na inaasahang malaki ang maitutulong para sa mga magulang at mga batang bibili ng mga libro. 


Sa House Bill 824 naman ni 1-PACMAN PL Rep. Michael Romero, bubuo ng National Book Development Trust Fund upang maisulong at masuportahan ang “Filipino authorship” o pagsusulat ng libro ng ating mga kababayan. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home