Friday, August 25, 2023

MGA PANUKALANG BATAS NA TUMITIYAK NG ABOT KAYA AT DE KALIDAD NA MGA AKLAT, PINAGSAMA-SAMA 


Lumikha ngayong Martes ang Komite ng Basic Education at Culture sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Rep. Roman Romulo (Lone District, Pasig City), ng technical working group (TWG) upang pagsamahin ang siyam (9) na panukalang batas, na naglalayong matiyak ang abot kaya, naaakses at de kalidad na mga aklat at iba pang kaugnay na materyales pang edukasyon sa mga pribado at pampublikong paaralan. 


Ang mga House Bills 887, 1794 at 3680, 5374 at 387, gayundin ang 6079 na inihain ni Rep. Michael Romero, Ph.D. (Party-list, 1-PACMAN), Rep. Luis Raymund 'LRay' Villafuerte Jr. (2nd District, Camarines Sur), Rep. Gus Tambunting (2nd District, Parañaque City), and Rep. Rufus Rodriguez (2nd District, Cagayan de Oro City), ayon sa pagkakabanggit, ay naglalayong amyendahan ang Republic Act 8047, o kilala bilang Book Publishing Industry Development Act. 


Ang HB 824, na inihain ni Rep. Romero, ay naglalayong amyendahan ang RA 9521, o ang National Book Development Trust Fund Act, upang isulong ang Filipino authorship at iba pang malikhaing aktibidad sa pagbuo ng aklat. Ang HB 2670 ni Rep. Virgilio Lacson (Party-list, Manila Teachers) ay gagawing institusyunal ang pagbibigay ng libreng learning materials, at iba pang suplay sa paaralan para sa mga mag-aaral ng pampublikong paaralan mula Kinder hanggang Grade 12, habang ang HB 6653 ni Rep. Rodriguez ay nagmumungkahi ng retail price maintenance at pare-parehong pamamaraan ng diskwento sa kalakalan ng aklat. 


Nagpasya rin ang Komite na suspindihin ang pagtalakay sa substitute bill sa HB 7893, na inihain ni Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, na naglalayong amyendahan ang RA 10533, o ang batas na nagpapataas sa sistema ng batayang edukasyon sa Pilipinas, sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kurikula nito, at pagdaragdag ng bilang ng taon para sa batayang edukasyon, at ang paglalaan ng pondo para dito. 


Hihilingin ng mga miyembro ng Komite sa Department of Education na ibigay sa kanila sa Biyernes ang mga kopya ng K to 12 Matatag curriculum ng Department of Education na inilunsad noong nakaraang ika-10 ng Agosto 2023. 


Ayon kay Dr. Samuel Soliven, Director III ng DepEd Bureau of Curriculum Development (BCD), nang ilunsad nila ang K to 10 Matatag curriculum, ang mga curriculum guide na ginamit sa seremonyang iyon ay ang mga pinal na matapos na pag isipan ang feedbacks mula sa publiko. 


“We will submit (to you) copies of that curriculum. With the launching of the K to 12 Matatag curriculum on August 10, the Grades 11 to 12 will undergo Senior High School review and revision. At this point, the DepED cannot yet submit its official position paper on the (substitute) measure, but I was told by Undersecretary Gina Gonong that we will continue to listen to the expertise of resource persons in this august body,” ani Dir. Soliven. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home