Mayroong pulong ngayong araw ang Department of Environment and Natural Resources o DENR sa unang batch ng mga “scientist” para sa “commulative impact assessment” kaugnay sa mga reclamation project sa Manila Bay.
Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations para sa panukalang 2024 Budget ng DENR --- inusisa ni OFW PL Rep. Marisa Magsino ang mga proyektong reklamasyon sa Manila Bay.
Ani Magsino, may proyekto para malinis na ang tubig sa Manila Bay, pero may mga nagtatambak naman para sa reklamasyon.
Ayon tuloy kay Magsino, nakakalito tuloy kung ano ang dapat gawin --- linisin, dumihan o tambakan ang Manila Bay.
Tugon ni DENR Sec. Maria Antonia Yulo-Loyzaga, suportado nila ang “suspension for review” na utos ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ukol sa iba’t ibang Manila Bay reclamation projects.
Amindado si Loyzaga na mayroong “contradiction” sa pagitan ng reclamation at rehabilitasyon dito, kaya naman mahalaga ang commulative impact assessment.
Mamayang hapon aniya ay magdaraos sila ng meeting kasama ang unang batch ng scientists. Ito ay all-Filipino team, pero kukunin din ang DENR ng external advice mula sa mga dayuhang experts.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home