MGA PLANO SA 2024 BIMP-EAGA PARLIAMENTARY FORUM, PINATATAG NG LUPON
Inaprubahan ngayong Miyerkules ng Espesyal na Komite ng East ASEAN Growth Area sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Sultan Kudarat Rep. Princess Rihan Sakularan, ang isang draft Committee Report ng House Resolution 343, na napapailalim sa istilo at pagbabago.
Ang HR 343 ay resolusyon na nagpapahayag ng pagnanais ng Kapulungan ng mga Kinatawan na idaos ang unang Brunei-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) Parliamentary Forum na gaganapin sa Pilipinas.
Mas nakatitiyak na idaraos ang forum matapos suportahan ni Speaker Ferdinand Romualdez ang iminungkahing Forum habang dumadalo sa pulong sa 44th ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA) noong ika-7 ng Agosto 2023, sa Jakarta, Indonesia.
Ayon kay Sakaluran, “The Philippine proposal was met with enthusiasm, eagerness and support.”
Habang dumadalo sa AIPA, nakipag-ugnayan si Rep. Sakaluran at ang kanyang grupo sa Tanggapan ng Speaker, Office of the Secretary General, Inter-Parliamentary and Public Affairs Department (IPAD), Mindanao Development Authority (MinDa), at iba pang pangunahing tanggapan ng BIMP-EAGA tulad ng Department of Tourism (DOT) upang pag-usapan ang mga paunang pangangailangan para sa forum.
Layon ng HR 343 na iangat ang kooperasyong pang-ekonomiya sa mga kalahok ng lumalagong ekonomiya upang mapataas ang kalakalan, pamuhunan, turismo, negosyong agrikultura, kalikasan, at edukasyon sa kulturang panglipunan, sa pamamagitan ng cross border cooperation.
Isinasaad sa resolusyon na magbibigay ang BIMP-EAGA Parliamentary Forum ng natatanging plataporma para sa talakayang multilateral at kasunduan sa nagkakasundong istratehiya sa mga bansang miyembrong kasapi ng lehislatura, sa malawak na usaping sakop ng mga prayoridad na bansa para sa kooperasyon, alinsunod sa paunang ministerial meeting ng BIMP-EAGA noong 1994.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home