Tiniyak ng Department of Agriculture o DA na walang “shortage” ng bigas, pero aminadong mataas ang presyo nito sa ngayon.
Sa briefing ng House Committee on Agriculture and Food --- tinanong ng chairman na si Quezon Rep. Mark Enverga kung mayroon bang dahilan para mag-panic ang publiko sa estado ng supply at presyo ng bigas.
Tugon ni Agriculture Usec. Leo Sebastian, walang kakapusan ng bigas.
Ayon naman kay Agriculture Usec. Mercedita Sombilla, walang rason para mag-panic, pero talagang tumataas ang presyo ng bigas.
Ang rason aniya ay ang mahal na fertilizer at inputs, pati presyo ng produktong petrolyo, at farm gate prices.
Ngunit bunsod ng paparating na imported na mga bigas, inaasahang bababa na rin ang presyo.
Na-manage din aniya ng DA ang sitwasyon.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home