Friday, November 17, 2023

Isinusulong ni United Senior Citizens Partylist Rep. Milagros Aquino- Magsaysay na amyendahan ang National Commission on Senior Citizens  o NCSC Act para matiyak ang orihinal na layunin nito.


Aniya, hindi pa rin kasi tunay nararamdaman  ng mga senior citizens ang  epekto ng NCSC kahit na ilang taon nang naipasa ang paglikha sa komisyon at nakapagtalaga na ng mga komisyoner noong 2020


Ito'y para matiyak din aniya na nauunawaan ng NCSC ang kanilang mandato at hindi lamang umiral sa pangalan .


Sa inihaing House bill 9454 ng mambabatas  layon nitong magtakda ng istraktura ng organisasyon, mapalawak ang function nito para sa benepisyo ng mga senior citizens at magkaroon ng mahusay na transition at operasyon para sa mas malinaw na gabay sa orihinal na batas.


Oras na maamyendahan naniniwala ang kongresista na ito ang susuporta sa mekanismo sa pagpapatakbo ng mga programa at benipisyo para sa mga nakatatanda. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home