Friday, December 15, 2023

Sa botong 247 na pabor, at walang sinumang tutol…


Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 9682 o pagsasabatas ng pagkakaloob ng “teaching supplies allowance” para sa mga guro sa mga pampublikong paaralan sa bansa.


Layon ng panukala na mabawasan ang pasanin sa pera ng mga teacher, at para mapagbuti ang kanilang kundisyon sa trabaho.


Kapag naging ganap na batas, ang bawat guro ay bibigyan ng P7,500 para sa school year 2024-2025.


Habang P10,000 naman ang ipagkakaloob sa kada teacher, para sa school year 2025-2026 at mga susunod na taon.


Nakasaad pa sa House Bill na ang teaching supplies allowance ay libre mula sa income tax. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home