Ang patuloy na pagbaba sa “unemployment rate” sa ilalim ng Marcos Jr. administration ay dapat na magsilbing daan para pagaanin ang mahigpit na economic provisions ng 1987 Constitution.
Ito ang sinabi ni Surigao del Norte 2nd district Rep. Robert Ace Barbers, sa gitna na rin ng isinusulong na Charter Change o Cha-Cha.
Aniya, kung bubuksan ang bansa sa mas maraming foreign investments --- magkakaroon ng mas maraming trabaho at kita para sa mga tao, at economic activities.
Kaya naman giit ni Barbers, ang “constitutional amendments” na nakatutok sa economic provisions ay kailangang-kailangan sa ngayon.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home