anne Nagbabala si Deputy Speaker at Quezon Rep. David "Jayjay" Suarez sa mga senador na mabilis na nauubos ang oras para tapusin ng Kongreso ang mga iminungkahing pag-amyenda sa mga mahigpit na probisyon sa ekonomiya ng Konstitusyon.
Ayon kay Suarez mismong si Senate President Juan Miguel "Migz" Zubiri ang nagsabi na bago mag Holy Week break maipapasa na ng Senado ang Resolution of Both Houses No.6.
Pero sa panig naman ni Sen. Juan Edgardo Angara, na siyang chairman ng Senate subcommittee na nagsasagawa ng pagdinig para sa panukalang pag amyenda sa economic provision sa 1987 Constitution ay posible sa Oktubre pa ito maipapasa batay sa kanilang timetable.
Dahil sa iba ibang pahayag ng mga senador, tanong ni Suarez kung ano talaga ang timeline ng senado para maipasa ang RBH No.6.
Ipinunto ni Suarez ang Pilipinas ay naungusan na ng mga kalapit bansa sa Asya partikular sa paghimok ng mga foreign investments.
Dagdag pa ng mambabatas, marami pang proseso ang dapat gawin kaya nagagahol na sa oras kapag hindi pa gagalaw ang Senado.
Kaya muling nanawagan si Suarez sa senado na gawin na ang kanilang trabaho.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home