Tuesday, February 13, 2024

isa Pinatataasan ng House Joint Committee on Special Privileges sa kaukukang ahensya ng pamahalaan ang diskwento ng mga senior citizen sa “basic goods” sa limang daang piso (P500.00) kada buwan. 


Sa pagdinig ng Committees on Ways and Means, Senior Citizens at PWDS --- sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda na mayroong direktang utos si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na taasan ang diswento, mayroon mang booklet o wala. 


Ayon kay Salceda, inatasan ng joint committee ng Kamara ang Department of Trade and Industry o DTI at Department of Agriculture na taasan ang senior citizen’s discount sa basic goods, mula P65.00 kada linggo tungo sa P125.00 kada linggo, o P500.00 kada buwan. 


Batay kasi sa food inflation rates, sinabi ni Salceda na nakita nila na ang “total value” ng diskwento ay dapat mai-adjust sa P126.31. Kaya bilang chairman ng Ways and Means Panel, ang kanyang suhestyon ay P125.00. 


Ayon kay Salceda, dapat na agad na i-adjust ng DTI at DA ang rates, upang maramdaman din kaagad ng mga lolo at lola ang naturang benepisyo.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home