isa Kasabay ng Araw ng mga Puso…
Isinusulong ni AGRI PL Rep. Wilbert Lee ang isang panukalang batas na layong gawing abot-kaya ang presyo ng mga gamot para sa iba’t ibang sakit sa puso.
Sa ilalim ng House Bill 9924 --- ang Department of Health o DOH ay aatasan na maglabas ng listahan ng mga gamot na may kinalaman sa “treatment and regular medication” sa tinatawag na cardiovascular diseases o CVDs.
Ayon kay Lee, target ng kanyang panukala na gawing “VAT-free” o exempted sa Value Added Tax ang mga gamot.
Paliwanag ng kongresista, hindi biro ang pagkakaroon ng sakit sa puso dahil bukod sa karamdaman, talagang sakit din ito sa bulsa.
Nakaka-highblood pa lalo ang malaking gastos sa kinakailangang operasyon, at ang mahal na gamot na pang-maintenance.
Kaya naman ani Lee, may mga pasyente na hindi na araw-araw ang pag-inom ng gamot, o hindi na talaga umiinom dahil walang pambili.
Dahil dito, iginiit ni Lee na mainam na gawing araw-araw ang Valentine’s Day para sa mga may sakit sa puso, at bawasan ang kanilang alalahanin sa pamamagitan ng mas murang mga gamot.
Batay sa World Health Organization o WHO, ang CVD ay numero unong sanhi ng kamatayan sa buong mundo.
Habang base sa Philippine Statistics Authority o PSA, ang “leading cause” ng kamatayan sa Pilipinas mula Enero hanggang Hulyo 2023 ay ischemic heart disease, na mayroong 65,000 na mga kaso o katumbas ng 19% ng total deaths sa buong bansa.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home