Thursday, February 15, 2024

hajji

Iniiwasan na ng foreign investors ang Pilipinas dahil sa umiiral na restrictive economic provisions sa 1987 Constitution.


Ito ang iginiit ni PDP-Laban President at Palawan Representative Jose Alvarez matapos ihayag ni retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na hindi na kailangang isulong ang Charter Change dahil sapat na ang mga batas para sa foreign ownership at investments.


Sa pulong balitaan, sinabi ni Alvarez na ibinahagi sa kanya ng Korean Ambassador to the Philippines na tatlo lamang mula sa 343 Korean investors ang nagpasyang mamuhunan sa Pilipinas.


Pinili aniya ng mga naturang investor ang Vietnam kaya malinaw na hindi sapat ang mga umiiral na batas at nangungulelat ang ekonomiya ng Pilipinas sa buong ASEAN.


Binigyang-diin ng kongresista na kulang ang liberalization laws na ipinasa ng Kongreso tulad ng Public Service Act para mang-engganyo ng foreign investments.


Idinagdag ni Aklan Representative Teodorico Haresco Jr. na ilang beses nang inamiyendahan ng Indonesia, Vietnam, Thailand at iba pang ASEAN members ang kanilang Konstitusyo upang makahikayat ng foreign capital.


Inihalimbawa pa nito na sa Estados Unidos ay maaaring bumili ng lupa anuman ang nais na investment habang sa Pilipinas ay hindi sapat ang kapital, teknolohiya at foreign entrepreneurship na aktibong nakikilahok.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home