hajji Naniniwala si Bataan First District Representative Geraldine Roman na maituturing nang patay ang isinusulong na pag-amiyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution kung hindi ito bibigyan ng pansin ng Senado hanggang Marso.
Sa pulong balitaan sa Kamara, sinabi ni Roman na kung hihintayin pa ang Oktubre at wala nang tututok sa Charter Change dahil magiging abala na ang lahat sa paparating na 2025 midterm elections.
Sisingilin aniya ng constituents ang district representatives kapag hindi naisakatuparan ang umano'y magandang oportunidad na idudulot ng economic Cha-Cha partikular ang pagdagsa ng investors, pagbuhos ng trabaho at pagbaba ng presyo ng kuryente.
Para kay Roman, ang mahalaga ay ginawa ng Kamara ang trabaho nito ngunit tiyak na babalikan ang mga senador at magtatanong ang kanilang nasasakupan kung sino ang dapat suportahan at iboto sa halalan.
Punto pa nito, magsisilbi silang "influencers" ng mga botante sa kanilang distrito kaya walang magagawa ang mga kongresista kundi sabihin ang tunay na saloobin sa halip na magsinungaling.
Magkakaalaman umano kung sinsero ang mga mambabatas kapag may kaakibat na pagkilos ang bawat sinasabi.
Samantala, hindi kumbinsido si Roman na kailangan pang umabot ng walong buwan para talakayin ang economic Cha-Cha lalo't kung pambansang budget ang pag-uusapan ay nagagawa naman ito sa loob ng isang buwan.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home