isa Handang-handa ang Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth na itaas pa ang mga benepisyo para sa mga miyembro.
Sa pagdinig ng House Committee on Health, tinanong ng chairman na si Batanes Rep. Ciriaco Gato ang Philhealth kung ano ang posisyon sa mga pahayag ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ukol sa pagrepaso sa charter ng Philhealth, at hirit na itaas ang benefit packages.
Tugon ni Philhealth Pres. at CEO Emmanuel Ledesma, 110% na suportado nila ang lahat ng sinabi ni Romualdez.
Halimbawa rito ang isinusulong na itaas ng Philhealth sa 50% ang sasaguting hospital bill ng mga pasyente naka-admit sa pribadong ospital, kasama ang professional fees.
Ayon kay Ledesma, baka mas mataas pa nga sa 50% ang gagawin ng Philhealth.
At hangga’t kaya nila ay gagawan umano ng paraan, upang mapagbuti na rin ang pagpapatupad ng Universal Health Care.
Samantala, sinabi ni Philhealth Vice Pres. Eli Santos na bukas sila sa utos ni Speaker Romualdez na silipin o repasuhin ang “charter” ng Philhealth.
Kinumpirma naman ni Rep. Gato ang pagbuo ng Technical Working Group o TWG na siyang pamumunuan ni Rep. Anthony Golez at tututok sa pag-review sa Philhealth charter.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home