Thursday, February 15, 2024

isa Kinumpirma ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth na nakapag-bayad na sila ng P50 billion claims sa mga ospital at doktor, sa huling limang buwan ng 2023. 


Sa pagdinig ng House Committee on Health, sinabi ni PhilHealth Pres. at CEO Emmanuel Ledesma na sa isang hearing noong Seytembre ng nakalipas na taon ay nangako sila na babayaran ang 100% o malapit sa 100% ng “P27 billion unpaid claims” sa loob ng siyamnapung araw. 


Ito ay kasunod na rin ng naging pahayag ni Marikina Rep. Stella Quimbo na maraming ospital at doktor na nagrereklamo dahil hindi pa sila nababayaran o may delay sa payments. 


Ayon kay Ledesma, mula sa mga buwan ng Agosto hanggang Disyembre 2023 --- nakapagbayad ang Philhealth ng P50 billion, o lagpas pa sa P27 billion. 


Sinabi ni Ledesma na naireport na nila ito kay Rep. Quimbo at sa organisasyon ng mga ospital, na natuwa naman sa ginawa ng Philhealth. 


Tiniyak naman ni Ledesma na hindi sila hihinto hanggang sa mabayaran ang mga dapat na bayaran. 


24/7 na aniya silang nagta-trabaho para mapabuti ang kanilang serbisyo at sistema.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home