Thursday, February 15, 2024

milks


(Baka matabunan mamaya sa development sa Senado) 



Kamara bukas sa pakikipag-usap sa Kamara pero sana tigilan na ang character assassination…



Bukas ang Kamara para makipag-usapan sa Senado at matigil na ang bangayan sa usapin ng amyenda sa ating saligang batas.


Ayon kay House Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., patuloy ang pakikipag-ugnayan ni House Speaker Martin Romualdez kay Senate President Juan Miguel Zubiri.


Sabi ni Gonzales, kabilang dito ang pahayag ng Kamara na ipapasa ng buong-buo ng Kongreso ang bersiyon ng Senado sa Resolution of Both Houses no. 6 - pagtibayin lang ito ng Senado.


Dagdag pa ni Gonzales, bilang Valentine’s gift - sundin ng mga Senaldor ang apela ni Pangulong Bongbong Marcos matapos suportahan nito ang amyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution - wala ng iba pa!


Sa panig naman ni Bataan 1st District Representative Geraldine Roman, handa ang Kamara na makipag-usap pero sana naman itigil na ang mga character assassination na hindi naman anya kasama sa isyu ng chacha.


RHTV : play audio/video Roman

outcue: all we want to do is to work…


Samantala, inaantabayan pa namin ang statement ni House Speaker Martin Romualdez sa balita sa Senado na nag-usap na umano sila ni Senate President Zubiri at itigil na ang bangayan.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home