Thursday, February 15, 2024

Isa

Iginiit ng isang lider ng Kamara na hindi sila humingi ng tulong mula sa People’s Initiative for Modernization and Reform Action o PIRMA, kaugnay sa pagkalap ng mga lagda para sa People’s Initative o PI ng Charter Change o Cha-Cha.


Ginawa ang paglilinaw kasunod ng pahayag ni Sen. Ronald dela Rosa na ang mga kongresista umano ang humingi ng suporta mula sa PIRMA.


Ayon kay House Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., walang katotohanan dito.


Aniya, bilang Speaker ay normal na maraming appointments si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, at may photo opportunities pa. 


Pero sa naging pagkikita ni Romualdez at mga taga-PIRMA, sinabi ni Gonzales na hindi nagpatulong ang Kamara sa grupo, lalo na si Romualdez.


Matatandaan na inilunsad ng PIRMA ang signature campaign noong Enero, pero may paratang ang ilang senador na sangkot dito si Romualdez.


Muli namang diin ni Bataan Rep. Geraldine Roman, hindi ang Kamara ang nagpasimuno ng PI.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home