Thursday, February 15, 2024

kath Umaasa si Deputy Majority Leader at ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo na i-retract o bawiin ni Sen. Joel Villanueva ang mga binitiwan nitong pahayag patungkol sa pagkakaiba ng district at party-list representatives mula sa mga senador


Ayon kay Tulfo posibleng nadala lang ng emosyon ang senador sa mga nabitiwang salita, ngunit aminado ito na nasaktan sila


Nagkausap aniya ang mga miyembro ng party-list coalition sa Kamara kung saan ikinagulat aniya nila ang naging statement ng kapwa mambabatas, lalo na ang kaniyang ama, ay kasama nila sa koalisyon bilang party-list representative.


Aminado si Tulfo na nainsulto sila sa naturang pahayag dahil sa binoto rin naman sila ng taumbayan.


Aniya pa,  kung titignan parehas lang na national level ang botohan sa mga senador at party-list.


Nagkataon lang na mas marami ang boto ng mga senador dahil sa ang mga nahati ang boto sa maraming party-list groups.


Hindi pa naman aniya nakausap ng party-list coalition si CIBAC party-list Rep. Bro Eddie Villanueva hinggil dito.


##


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home