Thursday, February 15, 2024

Isa Mariing pinabulaanan ni House Committee on Appropriations chairman Zaldy Co ang paratang na nagagamit ang Ayuda para sa Kapos ang Kita o AKAP Program para sa People’s Initiative o PI kaugnay ng panukalang Charter Change o Cha-Cha.


Ito’y tugon ng kongresista sa pag-ugnay ni Senadora Imee Marcos sa AKAP, sa pagkalap ng mga pirma para sa Cha-Cha.


Sa isang pahayag, sinabi ni Co na ang pondo ng AKAP ay para sa “near poor at low-income” ng mga pamilyang Pilipino, at hinding-hindi para sa Cha-Cha.


Ani Co, dinudungisan umano ni Senadora Marcos ang malinis na intensyon ng AKAP na tulungan ang mga kababayan nating may trabaho ngunit kapos ang kita.


Ayon kay Co, bahala na ang taumbayan na humusga sa umano’y pamumulitika ni Senadora Marcos sa isang programa na pantulong sa mga mahihirap.


Ang AKAP program ay layong makatulong sa mga construction at factory workers, drivers, food service crew at kahalintulad.


Sa programa, na may P50 billion na alokasyon sa ilalim ng 2024 National Budget --- bibigyan ng one-time P5,000 cash assistance ang mga benepisyaryo na apektado ng inflation at mataas na presyo ng mga bilihin.


Tiniyak naman ni Co sa publiko na ang mga alegasyon ni Senadora Marcos ay hindi totoo, at ang AKAP funds ay naipapamahagi nang naaayon sa probisyon ng 2024 General Appropriations Act. 


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home