Thursday, February 15, 2024

Isa Mabuting kausapin ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte ang kanyang pamilya para suportahan si Pang. Ferdinand Marcos Jr. 


Ito ang sinabi ni Zambales 1st district Rep. Jefferson Khonghun, kaugnay sa mga naging pahayag kamakailan ng mag-amang dating Pang. Rodrigo Duterte at Davao City Mayor Sebastian Duterte laban kay Pres. Marcos Jr., at sa tanong kung buo pa ba ang “Uniteam.” 


Paliwanag ni Khonghun, sana’y kausapin ni VP Duterte ang kanyang ama at kapatid para masabihan na suportahan si Pang. Marcos Jr., na wala namang ibang gusto kundi ang kaunlaran at katahimikan ng ating bansa. 


Ayon kay Khonghun, ang Kamara ay “united” at buo sa panawagan ni Pang. Marcos Jr., sa ilalim ng liderato ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez. 


Sa panig naman ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, ang Uniteam ay hindi naman natapos sa kampanya. 


Ito man ang political slogan nina Pang. Marcos at VP Duterte noong Eleksyon 2022, naging konkretong “actual plan” ito ng administrasyon. 


Nagkaroon din ng paglulunsad ng “Bagong Pilipinas” kung saan present si VP Duterte, at makikita ang relasyon ng dalawang pinaka-mataas na lider ng bansa.  


Dagdag ni Adiong, naglabas na rin ng statement si VP Duterte na nagsabing hindi siya sang-ayon sa mga pahayag ng kanyang pamilya.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home